Mag-uutol natodas sa ilog
August 24, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Maagang kinalawit ni kamatayan ang mag-uutol na nene makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo ang mga biktima sa ilog na sakop ng Barangay Gabi sa bayan ng Baleno, Masbate, kamakalawa.
Ang magkakapatid na may apelyidong Morado ay nakilalang sina Joan, 10; Daisy, 4; at Jonalyn, 7, na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay. Napag-alamang narekober ang bangkay ng dalawa, subalit sinisikap ng mga awtoridad na hagilapin ang isa pang katawan na posibleng inanod sa karatig bayan.
Base sa impormasyon ng pulisya, magkasamang naliligo ang tatlo sa nasabing ilog dakong alas-dos ng hapon habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Posibleng hindi napansin ng mga biktima na tumataas ang tubig sa ilog at sinabayan pa ng pagragasa ng tubig mula sa bulubunduking bahagi ng nasabing barangay, ayon pa sa ulat.
Sinikap na sagipin ng ilang residente na nakasaksi sa mga bata, subalit lalong lumakas ang agos ng tubig hanggang maglaho ang magkakapatid. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended