^

Probinsiya

Konsehal na kinastigo ng palasyo, rumesbak

-
OLONGAPO CiTYIsa umanong malinaw na "political harassment" at gawa-gawa lamang ng kanilang mga kalaban sa pulitika ang malisyosong akusasyon laban kay Olongapo City Councilor Atty. Noel Atienza sa kasong sexual harassment na isinampa laban dito ng kanyang isang empleyada noong nakaraang taon sa loob mismo ng gusali ng Olongapo City Hall.

Sa pahayag ni Atienza, labis na nasaktan ang kanyang pamilya sa ginagawang paninira na sinasabing isang palabas lamang ng mga katunggali sa pulitika para wasakin ang kanyang reputasyon at serbisyo sa mamamayan ng lungsod ng Olongapo.

Iginiit ni Atienza na ang kasong sexual harassment noong Nobyembre 11, 2004 na isinampa sa Malacañang ng isang Ester Rabado laban sa kanya ay isang imahinasyon lamang at walang katotohanan.

Ang akusasyon ni Rabado ay pinasinungalingan ng konsehal at iginiit nito na hindi siya ang kausap sa telepono noong Nobyembre 11, 2004, gaya ng akusasyon nito at may mga magpapatunay at tetestigo na hindi nito kausap si Rabado.

Bunsod nito ay nagsampa na si Councilor Atienza ng kasong false testimony and perjury at incriminating innocent person laban kay Rabado sa City Prosecutor’s Office at sa Quezon City dahil sa ginawang pagwasak sa kanyang kredibilidad. (Jeff Tombado)

ATIENZA

CITY PROSECUTOR

COUNCILOR ATIENZA

ESTER RABADO

JEFF TOMBADO

NOBYEMBRE

NOEL ATIENZA

OLONGAPO CITY COUNCILOR ATTY

OLONGAPO CITY HALL

RABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with