^

Probinsiya

Brgy. chairman todas sa ambush, pastor kritikal

-
Isang barangay chairman ang nasawi habang agaw buhay naman ang isang aktibistang pastor sa magkakahiwalay na pananambang sa lalawigan ng Antique at Palawan kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa insidente matapos matadtad ng mga tama ng punglo sa katawan ang biktimang si Rogelio Moscoso ng Brgy. San Juan sa kapitolyo ng Antique.

Batay sa report, bandang alas-8 ng umaga habang pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo kasama ang kaibigang si Felipe Lumanog ng pagbabarilin ng mga salarin.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung kasabwat ng mga salarin si Lumanog na himalang ’di pinaputukan ng mga suspek.

Sa isa pang insidente, agaw buhay naman sa pagamutan ang isang aktibistang pastor makaraang pagbabarilin habang pababa sa pampasaherong jeep sa national highway, kanto ng Lomboy St., Barangay San Jose, Puerto Princesa City, Palawan.

Ang biktima ay nakilalang si Raul Domingo, 35-anyos, pastor ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP), residente ng nasabing lugar nagtamo ng apat na tama ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang tambangan ito dakong alas-12 ng tanghali nitong Sabado habang pababa sa jeepney.

Pinaniniwalaan namang ang pagiging lider ni Domingo sa organisasyon ng Bayan at Karapatan na mariing tumututol sa pagmimina ng Mining Platinum Corporation sa lalawigan ang motibo ng insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

BARANGAY SAN JOSE

FELIPE LUMANOG

LOMBOY ST.

MINING PLATINUM CORPORATION

PALAWAN

PUERTO PRINCESA CITY

RAUL DOMINGO

ROGELIO MOSCOSO

SAN JUAN

UNITED CHURCH OF CHRIST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with