Preso nagbigti sa selda
August 21, 2005 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang preso matapos umano itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang isang sintas ng sapatos sa loob ng kanyang selda sa Carmona jail kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Domingo Acbay, 48, may-asawa, tricycle driver at residente ng Brgy. 7, ng bayang nabanggit.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Richard Mojica, may hawak ng kaso, dakong alas-2:20 ng madaling-araw nang magsisigaw ang isang kasamahang preso na si Ramon Umandap at humihingi ng tulong.
Nagulat umano si Umandap nang makitang nakabitin si Acbay kaya mabilis na humingi ng tulong sa nakatalagang jailguard.
Mabilis na itinakbo si Acbay sa Pagamutang Bayan ng Carmona subalit idineklara ng mga manggagamot na ito ay dead-on-arrival.
Isang suicide note na isinulat sa pader ng kulungan sa pamamagitan ng isang upos na sigarilyo ang nakita ng mga imbestigador at nakasaad dito ang salitang "alagaan bata".
Sa rekord ng pulisya, dinakip ang biktima ng pulisya sa isang pagsalakay na naaktuhang kasama sa pot session at nahaharap pa sa kasong cultivation of marijuana nang makumpiskahan ng apat na puno ng marijuana na umanoy itinanim nito.
Posible umanong ang kaso nitong may kaugnayan sa illegal drugs na walang inirekomendang piyansa ang nagtulak sa biktima na tapusin na ang kanyang buhay dahil sa kawalan nito nang pag-asang makapiling pa ang kanyang pamilya. (Cristina Go-Timbang/Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended