P.2-M naholdap sa magbiyanan

BATAAN — Umaabot sa P.2 milyon ang naholdap sa magbiyanang sakay ng traysikel makaraang harangin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng MacArthur Highway na sakop ng Barangay Lalawigan sa bayan ng Samal, Bataan kamakalawa ng tanghali. Ang mga biktima na hindi nakapalag sa mga holdaper at naibigay ang malaking halaga na winidraw sa Orani Planters Bank ay nakilalang sina Eleanor Gimena y Saldana, 57, ng Barangay San Juan at manugang na si Michael Moreno, 24, ng Barangay Tuyo, Balanga City. Napag-alamang sakay ng traysikel si Eleanor na minamaneho ni Moreno sa kahabaan ng nasabing higway at pagtapat sa Rich Town Subd. ay dito na isinagawa ang krimen. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments