3 CAFGU itinumba ng Army corporal
August 20, 2005 | 12:00am
TANAY, Rizal Pinagbabaril hanggang sa mamatay ang tatlong miyembro ng CAFGU ng kanilang opisyal at ang pinsan nito matapos ang kanilang inuman kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sto. Niño ng bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan mula sa 9mm. pistol na baril ay nakilalang sina Alberto Palma, 22; Redyel Labicane, 22 at Erwin Malong, 24, pawang mga miyembro ng Alpha Company, 59th Ifantry Battalion ng Philippine Army.
Samantalang, agad namang tumakas ang mga suspek na sina Army Cpl. Roberto Laureno at ang pinsan nitong si Rolan Laureno.
Ayon kay P/Chief Insp. Wenceslao Ornido, hepe ng Tanay police, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa Bulubunduking bahagi ng Barangay Sto. Niño ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon na katatapos pa lang, uminom ang mga suspek at biktima sa isang tindahan nang magyayaang bumalik na sa kanilang kampo dahil pawang lasing na ang mga ito.
Subalit hindi pa masyadong nakakalayo ang nasabing grupo ng makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente ng nasabing lugar at nang kanilang puntahan ilang minuto ang nakalipas ay tumambad sa kanila ang wala ng buhay na mga biktima na tadtad ng tama ng baril sa katawan.
Hinala ng pulisya na posible umanong nagtalo ang mga suspek at biktima habang naglalakad pabalik sa kanilang kampo na nauwi sa naturang pamamaril.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa naturang pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest