Ayon kay PREDA Foundation program director at Spokesperson Alex Hermoso, ang naitalang nakaka-alarmang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nakakulong sa ibat ibang piitan ng bansa ay bunga nang isinagawang pagsusuri kasama ang ilang representante ng United Nations International Childrens Emergency Fund (UNICEF).
Base sa talaan ng PREDA, karamihan sa mga kabataang nakakulong ay ginagawang utusan ng mga preso, at kung minsan ay inaabuso ang mga ito sa pamamagitan ng sexual exploitations.
Kabilang sa mga kabataang preso ay may kasong rape with homicide, murder, homicide at iba pa. Sa kasalukuyan ay may bilang na 85-kabataan ang nasa pangangalaga ngayon ng PREDA, 49 ang lalaki at 35 ang babae na nagmula sa mga presinto ng Caloocan City.
Sa naging pahayag ni Hermoso na walang naibibigay na anumang tulong ang kasalukuyang gobyerno sa relokasyon para sa mga kabataang preso dahil sa kakulangan ng pondo, ayon din sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagpaabot naman ng kahilingan si Hermoso sa mga kinauukulan na mabiyayaan sila ng isang bakanteng lote at gusali na pag-aari ng gobyerno na inabandona na para gawing tirahan ng mga batang preso.
Hinalimbawa ni Hermoso na may malawak na mga lote at lumang gusali ng TLRC Building na pag-aari ng gobyerno
sa ilalim ng Mt. Pinatubo Commission na nasa bayan ng Castillejos at San Antonio sa Zambales ang kasalukuyang inabandona na noon pang 1991, subalit ayaw ibigay ng local na pamahalaang probinsya.
Sa ngayon, ayon pa kay Hermoso na patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad na nakukulong sa ibat ibang panig ng bansa at nakararanas ng hirap at gutom sa loob ng kulungan bunga na rin ng pagsisikip ng kulungan. (Ulat ni Jeff Tombado)