^

Probinsiya

20,000 kabataan nasa mga piitan ng bansa

-
OLONGAPO CITY – Umaabot sa 20, 000 kabataan na karamihan ay mga menor-de-edad ang kasalukuyang nasa mga piitan ng bansa na kasama at nakahalo sa mga matatandang preso, ayon sa record na naitala ng People’s Recovery Empowerment and Development Assistance Foundation Inc., (PREDA) sa lungsod na ito.

Ayon kay PREDA Foundation program director at Spokesperson Alex Hermoso, ang naitalang nakaka-alarmang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nakakulong sa iba’t ibang piitan ng bansa ay bunga nang isinagawang pagsusuri kasama ang ilang representante ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Base sa talaan ng PREDA, karamihan sa mga kabataang nakakulong ay ginagawang utusan ng mga preso, at kung minsan ay inaabuso ang mga ito sa pamamagitan ng sexual exploitations.

Kabilang sa mga kabataang preso ay may kasong rape with homicide, murder, homicide at iba pa. Sa kasalukuyan ay may bilang na 85-kabataan ang nasa pangangalaga ngayon ng PREDA, 49 ang lalaki at 35 ang babae na nagmula sa mga presinto ng Caloocan City.

Sa naging pahayag ni Hermoso na walang naibibigay na anumang tulong ang kasalukuyang gobyerno sa relokasyon para sa mga kabataang preso dahil sa kakulangan ng pondo, ayon din sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagpaabot naman ng kahilingan si Hermoso sa mga kinauukulan na mabiyayaan sila ng isang bakanteng lote at gusali na pag-aari ng gobyerno na inabandona na para gawing tirahan ng mga batang preso.

Hinalimbawa ni Hermoso na may malawak na mga lote at lumang gusali ng TLRC Building na pag-aari ng gobyerno

sa ilalim ng Mt. Pinatubo Commission na nasa bayan ng Castillejos at San Antonio sa Zambales ang kasalukuyang inabandona na noon pang 1991, subalit ayaw ibigay ng local na pamahalaang probinsya.

Sa ngayon, ayon pa kay Hermoso na patuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad na nakukulong sa iba’t ibang panig ng bansa at nakararanas ng hirap at gutom sa loob ng kulungan bunga na rin ng pagsisikip ng kulungan. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EMERGENCY FUND

HERMOSO

JEFF TOMBADO

MT. PINATUBO COMMISSION

RECOVERY EMPOWERMENT AND DEVELOPMENT ASSISTANCE FOUNDATION INC

SAN ANTONIO

SPOKESPERSON ALEX HERMOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with