^

Probinsiya

Drayber tinodas dahil sa tubig

-
CAVITE — Pinaniniwalaang matinding alitan sa patubig kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na drayber ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Lopez Jaena Street sa Barangay San Roque, Cavite City kahapon ng umaga. Sapol sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Romeo Sinlao, habang tumakas ang mga killer na sakay ng motorsiklong walang plaka. Ayon kay PO2 Jorge Lapidario, nagmamaneho ng delivery truck (XLG-573) ang biktima na pag-aari ng Camerino Water Station nang tapatan ng mga killer bago nagpaulan ng bala hanggang sa kinalawit ni kamatayan si Sinlao. (Ulat ni Cristina Timbang)
Nanita sa masamang titig, pinatay
QUEZON — Naging mitsa ng kamatayan ng isang 32-anyos na binata ang pagpuna nito sa masamang titig sa grupo ng kalalakihan sa loob ng videoke bar kaya pinagbabaril hanggang sa mamatay ang biktima sa Barangay Isabang, Tayabas, Quezon, kamakalawa ng gabi. Nabistay ng bala ng baril ang katawan ni Rommel Ratuiste, habang nadakip naman ang apat sa pitong suspek na sina Milvert Banaag, 28; Donato Gabrido, 33; Roy de Torres, 39; at Irvin Gabrido, 26, na pawang naninirahan sa Sariaya, Quezon. Ayon kay P/Chief Insp. Romeo Carranza, hepe ng pulisya sa bayan ng Tayabas, naganap ang krimen sa loob ng Velfare KTV Bar habang nagkakainuman ng alak ang grupo ng biktima at mga suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)
2 tiklo sa pagbebenta ng aliw
NUEVA ECIJA — Dalawang babae na pinaniniwalaang nagbebenta ng panandaliang-aliw ang dinakma ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhang nakikipagtalik sa dalawang pulis na nagpanggap na kustomer sa Barangay Mambangan sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Nahaharap ngayon sa kasong prostitution ang mga suspek na may edad 19-anyos ng San Jose Del Monte City, Bulacan at 22-anyos ng Binangonan, Rizal. Dinakip din ng pulisya ang nagsilbing "bugaw" na si Jimmy Alcantara, 43, ng Barangay Diversion, San Leonardo. Hindi na nakapalag ang dalawang babae matapos na makunan ng litrato sa aktong pakikipagtalik. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Binata na nagdemanda, itinumba
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Isang 26-anyos na binata na naghain ng demandang frustrated murder noong Hulyo 6 laban sa kanyang pinsan ang pinagtataga hanggang sa mapaslang ng huli habang ang biktimang pinagtatataga ng kanyang sariling pinsan habang ito ay naglalamay sa burol ng patay kamakalawa ng gabi sa Barangay San Antonio sa bayan ng Libon, Albay. Nakilala ang biktima na si Tirso Mayor, samantala ang suspek na kaagad tumakas ay kinilalang si Salvador Mayor Jr., 22, ng Barangay Magallang ng naturang bayan. May teorya ang pulisya na paghihiganti ang isa sa motibo ng suspek kaya pinaslang ang biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY DIVERSION

BARANGAY ISABANG

BARANGAY MAGALLANG

BARANGAY MAMBANGAN

BARANGAY SAN ANTONIO

BARANGAY SAN ROQUE

SAN LEONARDO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with