Anak hinostage ng amain para bumalik ang asawa
August 10, 2005 | 12:00am
NUEVA ECIJA Matagumpay na nailigtas ang isang 2-taong gulang na lalaki ng mga tauhan ng pulisya sa kamay ng hostage-taker sa Barangay San Felipe, bayan ng Aliaga, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon.
Umabot sa isang oras ang negosasyon bago nailigtas ang biktimang si Jerome Dela Cruz ng Barangay Baluga, Talavera, Nueva Ecija, sa kamay ng suspek na si Jaime Bernardo y Mangilit, 27.
Narekober ng pulisya kay Bernardo ang isang granada na kanyang ipinapanakot na pasasabugin.
Ayon sa ulat, dakong alas-nuebe ng umaga nang sunduin ng suspek ang batang biktima sa bahay nito bago hinostage nang dumating sa bahagi ng Barangay San Felipe.
Hiniling ng suspek sa mga rumespondeng tauhan ng pulisya na iharap sa kanya si Barangay Kagawad Bonifacio Serrano ng Barangay San Felipe para magkausap.
Nang dumating si Serrano sa nabanggit na barangay ay pinakawalan ng suspek ang bata at nakipag-usap ng sarilinan hanggang sa madakip ang hostage-taker.
Hinala ng pulisya na hiniling ng suspek kay Serrano na pakiusapan ang kanyang misis na makipagbalikan na sa kanya alang-alang sa batang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest