Chinese national lumundag sa gusali, dedo
August 8, 2005 | 12:00am
Camp Crame Sabog ang bungo ng isang Chinese national matapos itong mag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon sa ikapitong palapag ng tinutuluyan nitong hotel sa Cebu City, kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Cai Zhi Quiang, 38 anyos, tubong Xiamen, China. Batay sa report, dakong alas-4:45 ng hapon nang tumalon ang biktima sa fire exit ng ikapitong palapag ng Pacific Tourist Inn, na matatagpuan sa kahabaan ng Guillas St. ng nasabing lungsod.
Ang biktima ay bumagsak sa semento na una ang ulo na sa lakas ay nabasag ang bungo. Sa kabila nito, iniimbestigahan naman ng mga awtoridad ang posibleng anggulo ng foul play sa kaso matapos na madiskubreng magulo ang silid na tinutuluyan ng biktima. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am