3 cult members kumain ng tao, timbog
August 8, 2005 | 12:00am
Camp Crame Tatlong bandido na hinihinalang miyembro ng isang kilabot na kulto na kumakatay at kumakain ng lamang-loob ng tao sa paniniwalang magbibigay ito sa kanila ng ibayong lakas at kapangyarihan ang inaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Batay sa ulat ang mga suspek na binansagang mga wakwak na inihalintulad rin sa halimaw ay nakilalang sina Lito Vicente alyas Ka Etok, nasamsaman ng matalim na itak; Angelito Latan alyas Ka Dolong, nakunan ng isang cal . 38 revolver at Sabrino Latang alyas Ka Ones.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas nilang mga kasamahan na nakilala namang sina Doydoy Latang, Ruben Latan at Miange Dundan; pawang mga residente ng Brgy. San Isidro, Brgy. Butulan sa bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigang nabanggit.
Lumilitaw na kabilang sa kinatay at kinain sa gubat ng mga suspek ay ang mga biktimang sina Celso Antonio noong Hulyo 8 sa Sitio Panambolan, Glan, Sarangani at Benjamin Pentoy sa Brgy. Butulan noong Marso 20 atbp. ng taong ito na hinihinalang hindi na nadiskubre ang pagkamatay. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
September 28, 2026 - 12:00am
September 27, 2026 - 12:00am