Kabilang sa mga biktima na sina Joseph Gauiran, 14 anyos; Francisco Fajardo at Joel Bengar, 38; at ang pinakahuli ay si Jay Jomar Maraggay,18, pawang mga residente ng bayang ito. Sa imbestigasyon, lumalabas na ang unang tatlong biktima ay magkakasunod na pinagsasaksak ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang si Maraggay naman ay sinaksak sa gilid ng Cathedral habang ginaganap ang Search for Miss Bayombong sa Community Center malapit sa nasabing simbahan.
Nagpakalat na si Nueva Vizcaya Provincial Police Office (PPO) ng mga tauhan ng Provincial Mobile Group at ng mga intelligence operatives para tiyakin ang katahimikan ng pista. (Victor P. Martin)