^

Probinsiya

Serial killer, gumagala sa Nueva Vizcaya

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Binabalot ngayon ng matinding takot ang mga residente sa bayang ito na nagdiriwang ng kapistahan matapos kumalat ang balitang may gumagalang serial killer na nambiktima na umano ng 12 katao sa magkakahiwalay na insidente.

Kabilang sa mga biktima na sina Joseph Gauiran, 14 anyos; Francisco Fajardo at Joel Bengar, 38; at ang pinakahuli ay si Jay Jomar Maraggay,18, pawang mga residente ng bayang ito. Sa imbestigasyon, lumalabas na ang unang tatlong biktima ay magkakasunod na pinagsasaksak ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang si Maraggay naman ay sinaksak sa gilid ng Cathedral habang ginaganap ang Search for Miss Bayombong sa Community Center malapit sa nasabing simbahan.

Nagpakalat na si Nueva Vizcaya Provincial Police Office (PPO) ng mga tauhan ng Provincial Mobile Group at ng mga intelligence operatives para tiyakin ang katahimikan ng pista. (Victor P. Martin)

COMMUNITY CENTER

FRANCISCO FAJARDO

JAY JOMAR MARAGGAY

JOEL BENGAR

JOSEPH GAUIRAN

MISS BAYOMBONG

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA PROVINCIAL POLICE OFFICE

PROVINCIAL MOBILE GROUP

VICTOR P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with