Nene napisak ng kotse

CAVITE – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 10-anyos na babae makaraang mahagip ng kotse na minamaneho ng Koreano sa gilid ng kalsada na sakop ng Tagaytay-Sta. Rosa Road sa Barangay Francisco, Tagaytay City kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Ospital ng Tagaytay, subalit idineklarang patay ang biktimang si Maricar Asuncion ng Barangay Francisco, Tagaytay City.

Sumuko naman ang drayber ng Toyota Corolla na may plakang WFG-890 na si Kim Bo Bae, 18, estudyante at residente ng Balubad 2nd sa bayan ng Silang, Cavite. Ayon kay PO2 Jose Bautista, naglalakad ang biktima nang mahagip ng kotse ng suspek na posibleng hindi nakita ang bata dahil sa may kadiliman ang nabanggit na lugar. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments