^

Probinsiya

Misis na magpapakamatay, mister ang napatay

-
PADRE BURGOS, Quezon – Aksidenteng napatay ang isang barangay captain ng kanyang sariling asawa habang ang mga ito ay nag-aagawan sa isang patalim kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion ng bayang ito.

Napuruhan ng malalim na tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Ruel Panganiban, 44, residente at kapitan ng Barangay Poblacion at kapatid ng incumbent vice-mayor dito na si Jiggs Panganiban.

Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na misis na si Belen Panganiban, may-sapat na taong-gulang.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-singko ng hapon ay lasing na dumating ang biktima sa sariling bahay at agad itong kinumpronta ng suspek na misis dahil sa malimit umano nitong pambababae.

Pinagalitan ng biktima ang babae hanggang sa pumunta sa kusina ang huli at kumuha ng isang patalim at nagtangkang magpakamatay.

Pinilit na agawin ng biktima ang patalim sa kanyang asawa at sa kanilang pag-aagawan ay aksidenteng tumama ang patalim sa dibdib ng una. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

AKSIDENTENG

AYON

BARANGAY POBLACION

BELEN PANGANIBAN

BOLUNTARYO

JIGGS PANGANIBAN

NAPURUHAN

PINAGALITAN

RUEL PANGANIBAN

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with