Highway robbery: 1 patay, 1 sugatan
August 4, 2005 | 12:00am
LUCBAN, Quezon Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang empleyado ng Oil Mill matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki na nangholdap sa sinasakyang pampasaherong jeep ng biktima, habang isa pa ang nasugatan noong Lunes ng tanghali sa boundary ng Barangay May-it at Manasa.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng di pa batid na kalibre ng baril sa ibat ibang parte ng katawan ay nakilalang si Leonard Obnamea, 50, may-asawa, empleyado ng MIDC Oil Mill at residente ng Barangay Tiawe
Ginagamot naman sa MMG Hospital sanhi ng isang tama ng punglo sa paa ang isa pang pasahero na si Arvic Tagalugan, 30, ng Makati City.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Floridel de los Santos, may-hawak ng kaso, dakong alas-12:30 ng tanghali ay lulan ng pampasaherong jeep (WDX-890) na minamaneho ni Joselito Esperanza ang biktimang patungo sa Lucban, Quezon.
Pagsapit sa naturang lugar ay nagdeklara ng holdap ang tatlong hindi nakikilalang lalaki kung kayat pumalag si Obnamea.
Dahil dito ay pinagbabaril ng mga suspek si Obnamea at tinamaan din ng ligaw na bala si Tagalugan. Habang nagkanya-kanyang pulasan ang mga nahintakutang mga pasahero ay sinamantala rin ng mga suspek ang pagtakas at tinangay ang cash na P.3 milyon ni Obnamea na winidraw sa isang bangko sa Lucena City gayundin ang iba pang mga cellphone ng mga pasahero. (Ulat nina Tony Sandoval at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended