Ambush: 3 kritikal
July 31, 2005 | 12:00am
SAN MATEO, Rizal Tatlong kalalakihan ang nasa kritikal na kondisyon kabilang ang isang pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi pa kilalang kalalakihan sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Brgy. Maly ng bayang ito.
Ang mga biktima na nagtamo ng tama ng bala mula sa ibat ibang uri ng baril at kasalukuyang inoobserbahan sa Amang Rodriguez Medical Center ay nakilalang sina Rafael Magleo, 34; Joseph Dangalan, 28; at James Paul Justo, pawang residente ng Sta. Cecilia St., Brgy. Maly ng nasabing bayan. Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo.
Ayon kay Supt. Mario Lico, hepe ng San Mateo police, naganap ang pamamaril dakong alas-10:45 ng umaga habang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Sta. Cecilia St. ng nasabing barangay.
Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang talagang pakay ng mga suspek na pinaniniwalaang mga miyembro ng isang drug syndicate ay si Magleo dahil sa sangkot ito sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa lugar at nadamay lang sina Dangalan at Justo dahil magkasamang naglalakad ang mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest