Mag-utol nagpatayan dahil sa lupa

LEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang awayan sa lupang mamanahin kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 24 anyos na mister ng sariling utol na lalaki sa kanilang bahay sa Barangay San Pablo, Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Hindi na nagising sa pagkakatulog ang biktimang si Marcelino Pojo, samantalang isinuko ng ina sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Joseph Pojo, 21, kapwa magsasaka ng nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-utol na Pojo tungkol sa mamanahing lupain at tsinempuhan naman ng suspek na natutulog ang kanyang utol bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments