^

Probinsiya

Konsehal kinatay ng CAFGU

-
CAMARINES NORTE – Isang municipal councilor na pinaniniwalaang may nasagasaan bilang lingkod ng bayan ang iniulat na pinatay sa saksak ng tatlong miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) habang ang biktima ay naglalakad mag-isa sa madilim na bahagi ng Barangay Kulakning sa bayan ng Lupi, Camarines Sur kamakalawa.

Binawian ng buhay sa Ragay District Hospital habang ginagamot dahil sa labing-anim na saksak ang biktimang si Councilor Bong Sevilla, samantala, nakilala ng ilang nakasaksi sa krimen kaya nadakip ng pulisya ang isa sa tatlong suspek na si Raymund Malinao, habang tinutugis pa ang dalawa na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan. Aabot sa labing-anim na saksak ng patalim ang tumama sa katawan ng biktima matapos na pagtulungan ng mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga imbestigador ng pulisya ang tunay na motibo ng krimen. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

AABOT

BARANGAY KULAKNING

BINAWIAN

CAFGU

CAMARINES SUR

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

COUNCILOR BONG SEVILLA

FRANCIS ELEVADO

RAGAY DISTRICT HOSPITAL

RAYMUND MALINAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with