^

Probinsiya

Napipintong water shortage crisis sa Bulacan pipigilan

-
BULACAN – Hinikayat kahapon ni Administrator Lorenzo H. Jamora ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang mga water districts at lahat ng government units sa Bulacan na magkaisa at magtulungan upang maiwasan ang pagkakaroon ng isang malawakang water shortage crisis sa buong lalawigan dulot ng pagbaba ng water table, salt intrusion at patuloy na pagkasira ng kalikasan dala ng pollution at deforestation.

Ito ang naging panawagan ni Administrator Jamora sa isinagawang "First Bulacan Water Summit" na ginanap sa Lungsod ng Malolos na dinaluhan ng mga opisyales ng pamahalaang lokal at panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Governor Josefina de la Cruz, mga opisyales at miyembro ng Bulacan Association of Water Districts (BAWD) sa pangunguna ni Pandi Water District General Manager Elvie Santos, mga grupo ng mga magsasaka at iba pang samahang may kinalaman sa patubig.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan din ni Senadora Jamby Madrigal, chair ng Senate Committee on Environment, kilalang sumusuporta sa total logging ban sa buong lalawigan. (Ulat ni Efren Alcantara)

ADMINISTRATOR JAMORA

ADMINISTRATOR LORENZO H

BULACAN

BULACAN ASSOCIATION OF WATER DISTRICTS

EFREN ALCANTARA

FIRST BULACAN WATER SUMMIT

GOVERNOR JOSEFINA

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION

PANDI WATER DISTRICT GENERAL MANAGER ELVIE SANTOS

SENADORA JAMBY MADRIGAL

SENATE COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with