Mangingisda todas dahil sa partihan

MARIVELES, Bataan — Sinaksak at napatay ang isang mangingisda ng kanyang kabaro makaraang hindi magkasundo sa partihan ng kinita mula sa naibentang isda kamakalawa ng hapon sa Barangay Sisiman sa bayan ng Mariveles, Bataan. Napuruhan sa kaliwang dibdib ng patalim ang nasawing biktima na si Rene Martinez, samantala, nadakip naman ng mga barangay tanod ang suspek na si Carlito Bertodazo na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Sammy Caballero, nagkainisan ang dalawa tungkol sa partihan habang bumababa sa M/V Vanessa mula sa Navotas hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments