3 pulis-Mandaluyong sabit sa summary execution?
July 28, 2005 | 12:00am
RIZAL Hindi na nakitang buhay ng kanyang ina ang isang 19-anyos na lalaki na huling namataang buhay na dinakma ng apat na pulis-Mandaluyong bago natagpuang patay sa bahagi ng Sitio Bangyad Floodway Extension sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal.
Ang biktima na may tama ng bala ng baril sa ulo ay nakilalang si Jonathan Diasanta ng 563 Calbayog Street, Barangay Hi-way Hills sa Mandaluyong City.
Lumitaw sa imbestigasyon na huling namataang buhay ang biktima noog Hulyo 22 ng gabi matapos na dakpin nina PO1 Francisco Castillo; PO1 Jocelyn Samson; P/Inspector Amor Carilio at isang alyas Llaine sa kasong bagansya sa Edsa Crossing, Mandaluyong City.
Sa pahayag ng ina ng biktima, nagpapunta pa si PO1 Castillo ng isang bata sa kanilang bahay upang humingi ng P1,500 para mapabilis ang pagpapalaya sa kanyang anak, subalit hindi ito nakapagbigay at inasahang makalalabas kinabukasan.
Ayon kay Annabel Acebuche, noong Sabado ng madaling-araw ng Hulyo 23 ay inilabas ni PO1 Castillo ang biktima mula sa selda hanggang sa hindi na makabalik pa ng kanilang bahay at matagpuang patay.
Sa panig ni PO1 Castillo, itinanggi naman nito ang akusasyon ng pamilya ng biktima, subalit sa kasalukuyan ay hindi pa pumapasok para mag-ulat. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest