Arkitekto kinatay ng kainuman

CAVITE – May posibilidad na matinding selos kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na arkitekto ng dalawang kainuman ng alak sa Barangay Kaypaaba sa bayan ng General Aguinaldo, Cavite kamakalawa.

Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng biktimang si Rommel Cape ng Cabanatuan City, Nueva Ecija, samantala, nadakma naman ang mga suspek na sina Constantino Agrisula, 45 at Rommel Barotilla, 24, ng Barangay Narvaez. Ayon kay SPO2 Roberto Beltran, dahil sa kalasingan ay nakatulog ang biktima sa bahay ni Eva Rapsing kaya pinagselosan ng dalawa at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments