^

Probinsiya

Anak ng ex-mayor, 3 iba pa tiklo sa drug bust

-
CAMP CRAME – Nadakma ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na kalalakihan kabilang na ang isang anak ng ex-mayor sa isinagawang drug-bust operation sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Enrique Magsaysay Jr. ng Ohio St., Upper Kalakhan Road, Olongapo City; Segundo "Undong" Carvantes ng Sitio Tahimik, Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales; Christopher Dilag at Noel "Bobot" Tonal ng Mercurio St., Purok 3-B ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang si Enrique na pinaniniwalaang may ilang ulit nang nasasangkot tungkol sa ipinagbabawal na gamot ay anak ni ex-Castillejo Mayor Enrique Magsaysay Sr.

Sa ulat ng PDEA, unang nadakma si Carvantes na nagbebenta ng shabu sa isang pulis na poseur buyer, samantala, sina Magsaysay Jr. Dilag at Tonal at dinakip habang nagpa-pot session sa bahay na pag-aari ni Carvantes.

Nakumpiska sa mga suspek ang hindi nabatid na gramo ng shabu at mga gamit sa ipinagbabawal na gamot. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE DELA CRUZ

CARVANTES

CASTILLEJO MAYOR ENRIQUE MAGSAYSAY SR.

CHRISTOPHER DILAG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ENRIQUE MAGSAYSAY JR.

MAGSAYSAY JR. DILAG

MERCURIO ST.

OHIO ST.

OLONGAPO CITY

SITIO TAHIMIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with