2 hinoldap habang nagpapalipad ng eroplano
July 24, 2005 | 12:00am
CAVITE Dalawang sibilyan na nagkasamang nagpapalipad ng laruang eroplano ang hinoldap ng tatlong armadong hindi kilalang kalalakihan sa bakanteng lote saTuscani Subdivision na sakop ng Barangay Niog 3 sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.
Masuwerteng hindi sinaktan ang biktimang si William Valsote Jr., 48, ng Cattleya Street, Camella Homes Subd., Sucat, Parañaque City, samantala, ang kasamang nakilala lamang sa alyas Mang Silver, 58, ng Parañaque City ay dinukot ng mga armadong kalalakihan.
Sa salaysay ni Valsote sa himpilan ng pulisya, ganap na alas-10:20 ng umaga ay magkasama silang nagpapalipad ng laruang eroplano na madalas sa bakanteng lote sa Tuscani Subdivision nang lapitan sila ng tatlong hindi kilalang lalaki.
Nagdeklara ng holdap ang tatlo laban sa dalawang biktima at kinuha ang dalawang cellular phone, alahas sa katawan at hindi nabatid na halaga. Napag-alamang bago tumakas ang mga holdaper ay isinama pa si Mang Silver sakay ng kotseng kulay berde na hindi nakita ang numero ng plaka.
"Madalas kaming magkasama ni Mang Silver sa pagpapalipad ng laruang eroplano bilang libangan, subalit hindi ko naitanong ang tunay niyang pangalan," dagdag pa ni Valsote.
Wala pang ulat na natatanggap ang pulisya tungkol sa kalagayan ni Mang Silver. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended