Hindi na umabot ng buhay sa Our Lady of Pillars Hospital ang mga biktimang sina Modesta Tapawan y Guemo, 47; inang Felicitacion Guemo, 79; kapatid na Maria Magsino y Guemo, 50; at ang hipag na si Livelina Guemo, 45, na pawang residente ng Barangay Malagasang 2-B, Imus, Cavite.
Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Wilfredo Cagalpin na nagsasampay ng nilabhang damit si Modesta nang biglang mapatid at mahulog ang talop na linya ng kuryente sa mga basang damit hawak ng biktima.
Nagkikisay ang biktima hawak pa ang basang damit na dinaluyan ng kuryente na lalong lumakas ang boltahe dahil sa tubig.
Napag-alaman pa na namataan ng tatlo si Modesta na nangingisay na hawak pa ang basang damit at dahil sa kawalan ng kaalaman sa magaganap na trahedya ay agad silang sumaklolo.
Hindi na nakaatras pa ang tatlong sumaklolo kay Modesta at maging sila ay dinaluyan ng malakas na boltahe ng kuryente hanggang sa kalawitin ni kamatayan patungo sa libingan.
Posibleng nakaligtaan ng tatlong nasawing biktima na mapanganib na sumaklolo sa taong nakuryente, lalot basa ang tinatapakan, ayon pa sa ulat ng pulisya.