^

Probinsiya

Pamilya, 4 natusta sa kuryente

- Ni Lolit Yamsuan -
CAVITENaging malagim na kamatayan ang sumalubong sa isang pamilya na kinabibilangan ng apat-katao makaraang makuryente sa tubig sa kanilang bahay sa Barangay Malagasang 2-B sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Our Lady of Pillars Hospital ang mga biktimang sina Modesta Tapawan y Guemo, 47; inang Felicitacion Guemo, 79; kapatid na Maria Magsino y Guemo, 50; at ang hipag na si Livelina Guemo, 45, na pawang residente ng Barangay Malagasang 2-B, Imus, Cavite.

Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Wilfredo Cagalpin na nagsasampay ng nilabhang damit si Modesta nang biglang mapatid at mahulog ang talop na linya ng kuryente sa mga basang damit hawak ng biktima.

Nagkikisay ang biktima hawak pa ang basang damit na dinaluyan ng kuryente na lalong lumakas ang boltahe dahil sa tubig.

Napag-alaman pa na namataan ng tatlo si Modesta na nangingisay na hawak pa ang basang damit at dahil sa kawalan ng kaalaman sa magaganap na trahedya ay agad silang sumaklolo.

Hindi na nakaatras pa ang tatlong sumaklolo kay Modesta at maging sila ay dinaluyan ng malakas na boltahe ng kuryente hanggang sa kalawitin ni kamatayan patungo sa libingan.

Posibleng nakaligtaan ng tatlong nasawing biktima na mapanganib na sumaklolo sa taong nakuryente, lalo’t basa ang tinatapakan, ayon pa sa ulat ng pulisya.

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

FELICITACION GUEMO

GUEMO

LIVELINA GUEMO

MARIA MAGSINO

MODESTA

MODESTA TAPAWAN

OUR LADY OF PILLARS HOSPITAL

WILFREDO CAGALPIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with