2 barko nagbanggaan
July 22, 2005 | 12:00am
MARIVELES, Bataan Pinangangambahang magdulot ng malawakang oil spill sa karagatang sakop ng Cavite at Corregidor Island, Bataan makaraang magbanggaan ang isang cargo ship at oil tanker na pinaniniwalaang lumabag sa traffic safety rules ang isa sa sasakyang dagat kahapon ng umaga.
Nagpadala na ng sampung tauhan si Mayor Angel Peliglorio Jr. para sumama sa rescue team ng Phil. Coast Guard na tutulong sa isasagawang operasyon sa papalubog na M/V Express II, isang cargo ship na kargado ng ibat ibang prutas, bigas at gulay na mula Cebu habang ang nakasalpukan naman ay ang M/T Golden Arowana 11, isang tanker na kargado ng 850,000 litro ng krudo na nagmula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Bagamat walang naiulat na namatay o nasaktan sa nasabing insidente ay nailigtas din ang 30 tripulante ng M/V Express II habang 15 naman sa M/T Golden Arowana.
Sa pahayag ni Lt. Armando Balido, spokesman ng Philippine Coast Guard, dakong alas-siyete ng umaga kahapon nang maggitgitan ang dalawang barko sa bisinidad ng 6 nautical miles north east sa Corrigedor Island. (Ulat nina Jonie Capalaran at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest