^

Probinsiya

Kumander ng NPA, 4 pa timbog

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang kumander ng New People’s Army (NPA ) at apat pa sa mga kasamahan nito ang nadakma ng mga tauhan ng 31st Infantry Battalion ng Phil. Army sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Taisan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Iprinisinta ni Lt. Gen. Pedro Cabuay Jr. Southern Luzon Command chief ang mga rebeldeng sina Kumander Monico Cardinal, aka Nilo Cardinal, Cho at Nick, secretary ng Komite Probinsya-Sorsogon; Julieta Pajalla, asawa ni Monico; Danilo Pajalla; Engr. Dumbar Mercado at Alex Espino.

Ayon sa ulat, ang mga suspek na rebelde na dumalo sa miting ng CPP/NPA/NDF sa Maynila tungkol sa pagpapatalsik kay Pangulong Arroyo ay dinakma sa checkpoint dakong alas-3 ng madaling-araw habang lulan ng Mitsubishi Adventure na may plakang (XAU 737) na pag-aari ni Mercado.

Ayon naman kay Col. Serafin Raymundo, tagapagsalita ng 9th Infrantry Division ng Phil. Army, si Kumander Cardinal ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Norberto Dating ng MTC San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte sa kasong homicide at Judge Fred Jimena ng RTC Branch 55 sa Irosin Sorsogon sa kasong rebelyon. (Ulat nina Ed Casulla at Tony Sandoval)

ALEX ESPINO

AYON

BARANGAY TAISAN

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DANILO PAJALLA

DUMBAR MERCADO

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

INFRANTRY DIVISION

IROSIN SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with