Tinedyer binoga ng sekyu, patay

MARIVELES, Bataan – Isang 19 -anyos na tinedyer na pinaniniwalaang nagnanakaw ng scrap sa bakuran ng isang kompanya ang binaril at napatay ng isang security guard sa loob ng economic zone sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa Mariveles Hospital si Eduard Luna ng Sitio Batu-Bato, Brgy. Baseco, samantala, tumakas naman ang suspek na si Cornelio Alinio ng King Security Agency at stay-in worker sa Phil. Italian Synthenic Leather Co. Sa imbestigasyon ni SPO3 Sammy Caballero, sinita ng suspek ang biktima dahil sa may bitbit itong scrap na tangkang ipuslit hanggang sa magkainitan at mauwi sa pamamaril. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments