Napatay dahil sa pagsaklolo

CAVITE – Sinaksak at napatay ang isang 28-anyos na lalaki ng nakaalitan ng kanyang utol na malubha ring nasugatan sa naganap na karahasan sa bahagi ng Barangay Wawa 1, Bacoor, Cavite kamakalawa. Napuruhan sa kaliwang bahagi ng katawan ang nasawing si Randy Tagal, habang kritikal naman ang utol nitong si Danilo, 36. Tinutugis naman ang suspek na si Ding Galazon. Walang malinaw na motibo ang lumutang at posibleng may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot ang isa sa naging ugat, ayon kay SPO1 Dante Ordoño. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments