Ayon kina Imelda Inieto at Lydia David, negatibo sa red tide ang baybaying bahagi na nasasakupan ng 11-bayan sa Bataan at posible na ang pagkamatay ng mga isda ay dulot ng tinaguriang guno na kadalasan ay nangyayari kapag madalas ang tag-init at biglang bubuhos ang ulan, aagos sa karagatan at hahalo sa tubig-alat na siyang nagiging dahilan para tumabang ang timpla ng tubig-dagat.
Sa paliwanag ni David, wala ng palatandaang may toxic waste na nakita para mangamatay ang mga isda.
Samantala ipinahayag naman ni Inieto ang 36-ektaryang tahungan na nakapaligid sa anim na bayan ay hindi naapektuhan nang manalasa ang guno noong Linggo ng umaga. (Ulat ni Jonie Capalaran)