Animoy kinatay na baboy ang mag-utol na Jennifer, 17; at Jeffrey Michael Dinglasan, 4, ng nabanggit na barangay. Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Rodolfo "Renz" Beltran, 35, tubong-Barangay Pamplona, Las Piñas City na pinaniniwalaang lango sa droga at alak nang isagawa ang krimen bandang ala-una ng hapon.
Lumitaw sa imbestigasyon ni Erwin Laureles, magkasama ang mag-utol sa kanilang bahay nang makarinig ng ingay sa loob ng kuwarto.
Tinungo ni Jennifer ang kanilang kuwarto upang usisain at naaktuhan ang suspek na naghahalughog sa aparador para magnakaw kaya nagsisigaw ang dalaga hanggang sa mapatay ito.
Posibleng nakita ng bata ang kanyang ate na tinataga kaya sinaklolohan, subalit binalingan din siya at pinagtataga hanggang sa mapatay.
May teorya ang pulisya na natiyempuhan ng suspek na makapasok sa likurang bahagi ng bahay ng mga biktima upang magnakaw lamang, subalit nabuko kaya isinagawa ang krimen. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)