^

Probinsiya

Mag-ate inakyat bahay, kinatay

-
CAVITE – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang mag-utol ng kanilang kapitbahay na pumasok sa bahay ng mga biktima upang magnakaw kamakalawa ng hapon sa Barangay Pinagligawan sa bayan ng Silang, Cavite.

Animo’y kinatay na baboy ang mag-utol na Jennifer, 17; at Jeffrey Michael Dinglasan, 4, ng nabanggit na barangay. Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Rodolfo "Renz" Beltran, 35, tubong-Barangay Pamplona, Las Piñas City na pinaniniwalaang lango sa droga at alak nang isagawa ang krimen bandang ala-una ng hapon.

Lumitaw sa imbestigasyon ni Erwin Laureles, magkasama ang mag-utol sa kanilang bahay nang makarinig ng ingay sa loob ng kuwarto.

Tinungo ni Jennifer ang kanilang kuwarto upang usisain at naaktuhan ang suspek na naghahalughog sa aparador para magnakaw kaya nagsisigaw ang dalaga hanggang sa mapatay ito.

Posibleng nakita ng bata ang kanyang ate na tinataga kaya sinaklolohan, subalit binalingan din siya at pinagtataga hanggang sa mapatay.

May teorya ang pulisya na natiyempuhan ng suspek na makapasok sa likurang bahagi ng bahay ng mga biktima upang magnakaw lamang, subalit nabuko kaya isinagawa ang krimen. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BARANGAY PAMPLONA

BARANGAY PINAGLIGAWAN

BELTRAN

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

ERWIN LAURELES

JEFFREY MICHAEL DINGLASAN

JENNIFER

LAS PI

LOLIT YAMSUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with