3 mangingisda natusta sa kidlat
July 16, 2005 | 12:00am
LEMERY, Batangas Halos hindi na makilala ang tatlong mangingisda makaraang tamaan ng kidlat sa baybaying dagat na sakop ng Barangay Balanga sa bayan ng Lemery, Batangas kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Inspector Crod Maranan, hepe ng Lemery PNP, ang mga biktimang sina Zaldy Sarabia, 46; ang nakababatang kapatid na si Eliseo, 35, kapwa residente ng Naujan, Oriental Mindoro at ang kasamahang si Apollo Gamboa, 33, ng Barangay Wawa, Batangas City.
Base sa ulat, bandang alas-siyete y medya ng gabi nang magkasundo ang mga biktima na pumalaot lulan ng isang banka nang biglang gumihit ang matalim na kidlat at tinamaan ang tatlo na nooy magkakatabi sa kanilang inuupuan.
Halos matusta ang buong katawan ng mga biktima na nagtamo ng 3rd degree burns sa malaking bahagi ng kanilang mga katawan na kasalukuyan ng nakalagak sa Taal Funeral Homes.
Batay sa salaysay ng mga kaanak ng mga biktima, hindi nila inaasahan na may namumuong masamang panahon dahil umaambon lang ng mangyari ang malagim na insidente. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest