^

Probinsiya

Mag-ama niratrat ng trader, patay

-
CAVITE — Magkasamang kinalawit ni kamatayan ang mag-ama makaraang pagbabarilin ng isang negosyanteng lalaki sa naganap na karahasan sa bahagi ng Barangay Milagrosa sa bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Pagamutang Bayan ng Carmona si Noland Camotuhan, 31, samantala, binawian ng buhay sa Perpetual Help Medical Center si Noland John Camotuhan, 8, na kapwa residente ng Block 38 Lot 7 Carmona Town Homes ng nabanggit na barangay.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Reynaldo Garcia, alyas Boy Loto, 43, tubong Payapa sa bayan ng Malvar, Batangas at naninirahan sa Block 35 Lot 22, Carmona Town Homes ng nasabing barangay.

Ayon kay SPO2 Zacarias Balleber Jr., niyapos ng matandang Camotuhan ang kanyang anak kaya ito nagtamo ng limang tama ng bala ng baril sa katawan, subalit tinamaan pa rin sa ulo ang bata.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:50 ng umaga nang tumbukin ng Crosswind (VCN-288) ng suspek ang mag-amang naka-bisikleta.

Nagkaroon nang mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ama at suspek hanggang sa maganap ang krimen.

May teorya ang pulisya na may matandang alitan ang pamilya ng biktima at suspek kaya lalong umigting ang galit ng mag-ama laban sa negosyante matapos na bundulin ang bisikleta. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BARANGAY MILAGROSA

BOY LOTO

CARMONA

CARMONA TOWN HOMES

LOLIT YAMSUAN

NOLAND CAMOTUHAN

NOLAND JOHN CAMOTUHAN

PAGAMUTANG BAYAN

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

REYNALDO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with