^

Probinsiya

Ambush: Jailguard dedo, preso grabe

-
TALISAY, Batangas — Binaril at napatay ang isang jailguard, samantalang nasa kritikal na kondisyon ang isang preso makaraang ambusin ng tatlong hindi kilalang lalaki sa harap mismo ng Talisay Municipal Circuit kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Inspector Felix Sarsozo, Talisay PNP chief, ang napatay na si JO1 Marlon Aquino, 33, ng Rizal St., Lipa City, Batangas, habang ginagamot naman sa Batangas Regional Hospital ang detainee na si Nemesio Castillo, 25, ng Barangay Gregorio sa bayan ng Laurel, Batangas dahil sa tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, bandang alas-9:30 ng umaga, papalabas ng court house sina Aquino at Castillo matapos dumalo ng hearing nang biglang lapitan at paputukan ng mga suspek.

Napag-alamang papasakay na ng service vehicle ang dalawang biktima na nakaparada sa kahabaan ng Malvar Street nang paputukan sa likuran si Castillo.

Bubunot sana ng baril si Aquino, pero naunahan siya ng isa sa mga killer kaya napatay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng isang puting kotse na walang plaka. Posibleng may kinalaman ang krimen sa nakabinbing kaso ni Castillo sa nasabing korte kaya ginantihan ito. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

AQUINO

ARNELL OZAETA

BARANGAY GREGORIO

BATANGAS

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

CHIEF INSPECTOR FELIX SARSOZO

LIPA CITY

MALVAR STREET

MARLON AQUINO

NEMESIO CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with