^

Probinsiya

Vice mayor, drayber itinumba sa munisipyo

-
PANGASINAN — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang municipal vice mayor at drayber nito ng nag-iisang lalaki habang ang mga biktima ay naglalakad sa harapan ng munisipyo may ilang metro lamang ang layo mula sa presinto ng pulisya sa bayan ng Mapandan, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril si Mapandan Vice Mayor Adolfo Aquino, 56, samantalang ang drayber na si Victor Villanueva, 37, ay tinamaan sa tiyan matapos na makipag-agawan ng baril sa killer.

Nagawa pang maisugod sa Mapandan Community Hospital si Aquino, subalit idineklarang patay, binawian naman ng buhay habang ginagamot sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City si Villanueva.

Napag-alamang katatapos lamang ng regular session ng municipal council nang barilin ng malapitan si Aquino habang naglalakad at nakikipaghuntahan sa dalawang konsehal na sina Catalino Morales at Siony Calimlim kasama pa ang dalawang kaanak na sina ex-P/Supt. Pelagio Melchor at Petronila Melchor.

Natulala ang mga nakasaksi sa insidente kaya palakad na tumakas ang killer.

Ayon sa staff ni Aquino na si Jun Mejia, wala naman rumespondeng mga tauhan ng pulisya matapos na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril, kaya naman sinibak ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao ang buong puwersa ng pulisya sa bayan ng Mapandan kabilang na ang kanilang hepe na si P/Chief Inspector Reynaldo Tamondong. Pumalit sa puwesto si P/Chief Inspector Efren Serenilla ng group director ng 107th Provincial Mobile Group sa bayan ng Tayug.

Si Vice Mayor Aquino ay papunta sana sa Los Angeles, California kahapon para dumalo ng reunion ng kanilang angkan, subalit kinansela ng biktima para dumalo ng regular session ng konseho. (Ulat nina Eva Visperas at Joy Cantos)

AQUINO

CATALINO MORALES

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

CHIEF INSPECTOR EFREN SERENILLA

CHIEF INSPECTOR REYNALDO TAMONDONG

DAGUPAN CITY

EVA VISPERAS

JOY CANTOS

JUN MEJIA

LOS ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with