^

Probinsiya

Hazing sa PMMA ibinunyag

-
SAN NARCISO, Zambales — Nabunyag ang matagal nang nagaganap na hazing laban sa mga kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) makaraang pumiyok ang ilang estudyante sa nabanggit na akademya.

Sa panayam ng PSN mula sa isang midshipman 4th class ng PMMA, patuloy ang ginagawang hazing ng mga matataas na kadete laban sa mga baguhang estudyante.

Ayon pa sa impormante, ang nagaganap na pagmamalupit sa mga kadete ng 4th class ay lingid sa kaalaman ng mga administrador ng PMMA partikular kay Navy Rear Admiral Fidel Dinoso, ang presidente ng naturang akademya.

Hindi magawang magreklamo sa mga awtoridad o sa kanilang mga kamag-anakan ang mga kadete ng 4th class sa kanilang mga superior dahil sa matinding pagbabanta na may mangyayaring masama.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay isang kadete mula rin sa 4th class ang binawian ng buhay matapos na hindi makahinga dahil sa tindi ng malalakas na suntok sa kanyang dibdib kung saan ang gumawa ng kalupitan ay kasalukuyang nakakulong sa bilangguan. (Ulat ni Jeff Tombado)

AYON

JEFF TOMBADO

KADETE

MATATANDAAN

NABUNYAG

NAVY REAR ADMIRAL FIDEL DINOSO

PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY

ULAT

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with