6 suspek sa Vegara's private army, tiklo
July 6, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Anim na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Vergaras private army na tinaguriang Calamba Citys Little Mayor" ang dinakip ng mga tauhan ng CALABARZON Special Operations Group (SOG) makaraang makumpiskahan ng ibat ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril sa bahagi ng Magallanes, Cavite noong Lunes.
Kabilang sa nasakote ay nakilalang sina Roberto Tumalon, 26; Cesar Tanseco, 41; Francisco Dazo, 47; Candido Mandido, 27; Junwel Sumray, 26; at Dominador Cutamora, 28.
Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Rodrigo Agojo kay P/Chief Supt. Jesus Verzosa, police director ng CALABARZON, itinuro ng mga suspek si Severino "Doc" Vergara na may-ari ng mga armas na nakumpiska na kinabibilangan ng dalawang 12-gauge shotguns, isang M16 rifle, isang US carbine rifle caliber 30, isang 45. cal. pistol at ibat ibang uri ng bala.
Ang mga suspek na nadakip at si Severino ay pormal na sasampahan ng kaukulang kaso.
Ayon sa ulat, si Vergara na dating Calamba City councilor ay kasalukuyang hepe ng Calamba-Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Ulat ni Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended