Pinay na 'nag-suicide' sa China, hiling maiuwi ang bangkay
July 5, 2005 | 12:00am
CABANATUAN CITY Humingi ng tulong sa mga kinauukulan ang pamilya ng isang Pinay domestic helper na maiuwi sa bansa ang bangkay nito makaraang magpatihulog mula sa ika-18 palapag ng gusali na kanyang pinapasukan sa Macau, China.
Nakilala ang nasawing Pinay na si Cirila Hernandez y dela Cruz, 37, ng Valino St., Aduas Sur, Cabanatuan City, na nag-suicide umano noong Hunyo 9, 2005.
Base sa ulat na nakarating sa pamilya ng biktima, lumitaw na nagpakamatay si Cirila sa pamamagitan ng pagtalon sa rooftop ng mataas na gusali.
Hindi naman mapaniwalaan ng mister ni Cirila na si Lito Hernandez na magagawa ng kanyang asawa ang magpakamatay dahil noong huli silang mag-usap sa telepono noong Hunyo 6, ay masaya pa nga ito at sinabihan pa siyang mag-ayos na ng papeles patungo sa Macau para sa posibleng trabaho bilang family driver.
Nabatid na si Cirila ay naglilingkod sa mag-asawang Chinese na may isang anak simula pa noong 2004 at buwan-buwan ay hindi nakakalimot na magpadala ng pera. Inaasahan ng pamilya Hernandez na gagawan ng aksyon ng Deparment of Foreign Affairs ang kaso ng nasabing biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Victor Martin | 12 hours ago
By Omar Padilla | 12 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am