Manager ng banko pinatay
July 3, 2005 | 12:00am
Nueva Vizcaya Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang regional manager ng Central Bank of the Philippines-Tuguegarao Chapter ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nasa labas ng kanilang opisina sa bahagi ng Gonzaga Street, Tuguegarao City kamakalawa ng hapon. Ayon kay Gen. Jeferson Soriano, pagnanakaw ang pinaniniwalaang isa sa motibo ng krimen dahil nawawala ang relo, tatlong gintong singsing, pitaka, bag at cellular phone ng biktimang si Fidel Dizon Alvarez, 40, ng Malabon, Metro Manila.
Sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na kasama ang security guard ng nasabing banko habang nanonood ng telebisyon. Dakong alas-4:30 ng hapon nang lumabas ng gusali ang biktima upang magpahangin hanggang sa matiyempuhan ng mga hindi kilalang lalaki at isinagawa ang krimen. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended