Testigo nilikida ng mga akusado
July 3, 2005 | 12:00am
GUMACA, Quezon Ginantihang patayin ang isang obrero ng pitong lalaki na inihabla ng tiyuhin ng biktima matapos na ito ay tumayong testigo, kamakalawa ng gabi sa Sitio Salvacion, Barangay Buensuceso.
Ang biktima na pinagbabaril ay nakilalang si Ismael Gavotia, 28, may asawa, ng naturang lugar.
Nadakip naman ng pulisya ang apat na suspek na sina Homer Ocampo, Jalilol Balabato, Rolando at Rodrigo Cadag, habang nakatakas ang tatlong iba pa na sina Randy, Rogelio at Rex Cadag.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Reynaldo Cabusora Jr., officer-on-case, bandang alas-11:20 ng gabi habang naghihintay ng masasakyang traysikel sa tabi ng highway ang biktima at ang tiyuhing si Gerry Lazona ay dumating ang mga suspek.
Namataan ng mga suspek ang magtiyuhin kaya pinaulanan ito ng bato at sa takot ng dalawa ay tumakbo pabalik ng kanilang bahay subalit hindi pa nakakapasok ng pintuan ang biktima ay pinagbabaril na hanggang duguang bumulagta.
Nakatakbo palayo si Lazona at humingi ng tulong sa mga awtoridad subalit nakatakas na ang ibang suspek pagdating nila sa crime site.
Sa ulat, bago maganap ang krimen ay nagbanta ang mga suspek sa biktima na may mangyayaring hindi maganda sa kanya dahil sa pagtestigo nito kaugnay sa iniharap na reklamo ni Lazona. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am