Holdaper dedo sa pulis

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isa sa tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang holdaper ang napatay makaraang mabaril ng isang tauhan ng pulisya sa naganap na holdapan sa pampasaherong bus sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Villa Aurora sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa. Kinilala ni P/Sr. Supt. Leo Kison, Quezon provincial director ang napatay na holdaper na si Rolando Malimban, habang nakatakas naman ang dalawa pa nitong kasamahan.

Sa ulat, nagdeklara ng holdap ang tatlo sa mga pasaherong lulan ng bus na may plakang KCP-767, subalit lingid sa mga holdaper ay sakay si PO2 Rodolfo Labayo na mabilis namang umaksyon at napatay ang isa. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

Show comments