Mag-asawa, pinaslang
June 30, 2005 | 12:00am
CATANAUAN, Quezon May posibilidad na inakalang tiktik ng militar at pulisya kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawa habang sugatan naman ang anak na sampung taong-gulang makaraang pasukin ng hindi kilalang kalalakihan ang bahay ng mga biktima sa Sitio Central sa Barangay San Vicente sa bayan ng Catanauan, Quezon kamakalawa ng gabi.
Walang buhay na iniwan ang mag-asawang Edilberto, 44; at Raquel Rodelas, 42, habang ginagamot naman sa Bondoc Peninsula District Hospital si Rowena. Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang pasukin ang bahay ng pamilya Rodelas habang natutulog. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest