^

Probinsiya

Mag-ama itinumba

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao — Tinambangan at napatay ang isang 36-anyos na konsehal ng bayan at anak nitong 12-anyos, habang kritikal naman ang security escort sa naganap na karahasan sa bahagi ng bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon.

Hindi na naisugod sa ospital ang mag-amang Taha Ungkay, isang municipal councilor at Nasrudin Ungkay, 1st year high school matapos na ratratin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

Nakikipaglaban naman kay kamatayan sa ospital ang alalay ni Taha na si Tato Sandigan, isang kasapi ng local militia. Base sa pahayag ng mga imbestigador ng pulisya, lulan ng sasakyan ang mag-ama at escort nito patungong bayan ng Aleason nang magsimulang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng M14 at M16 assault rifles. Nakikipagtulungan naman ang mga tauhan ni Lt. Col. Franklin Del Prado ng Arm’y 6th Infantry Division sa pagtugis ng mga killer patungo sa direksyong bahagi ng Liguasan Marsh sa tri-boundaries ng Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat. Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan sa politika ang naganap na pamamaslang sa mag-ama. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

FRANKLIN DEL PRADO

INFANTRY DIVISION

JOHN UNSON

LIGUASAN MARSH

MAGUINDANAO

NASRUDIN UNGKAY

NORTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

TAHA UNGKAY

TATO SANDIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with