Zambo masaker: 15 patay
June 29, 2005 | 12:00am
ZAMBOANGA Labinlima-katao kabilang na ang walong bata ang iniulat nasawi sa naganap na madugong sagupaan ng magkalabang angkan sa bahagi ng Sitio Molebuk sa bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay kahapon ng madaling-araw.
Tatlong babae at walong bata ang pinagbabaril at napatay ng kalabang angkan matapos salakayin ang plantasyon ng seaweed sa baybay-dagat na sakop Tubigsina, ayon sa hepe ng pulisya sa Zamboanga Sibugay.
Napag-alamang dalawamput tatlong sibilyan ang malubhang nasugatan na ngayon ay ginagamot sa ospital sa kalapit bayan ng Alicia at apat sa mga sugatan ay kinalawit ni kamatayan dahil sa kakulangan ng dugo.
Sa pahayag ni P/Senior Supt. Reseller Arrieta, na wala pang pagkikilanlan ng mga umatake sa plantasyon ng mga biktima dahil sa walang lumutang na testigo sa madugong karahasan.
Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, na banggaan ng dalawang angkan na nag-aagawan sa plantasyon ng seaweed, ang isa sa pangunahing anggulong nasisilip.
Aabot na sa sanlibong insidente na may kaugnayan sa madugong bakbakan ng magkakalabang angkan ang naitala sa Mindanao sa loob ng 75-taon na nagresulta sa pagkamatay ng 3,000 sibilyan, ayon sa pag-aaral ng US Agency for International Development and the Asia Foundation. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest