Mga gamit ng USS New York sa SBMA sinisikwat
June 28, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Ilang artifact at mga sinaunang accessories ng barkong USS New York na lumubog sa karagatang sakop ng Subic Bay noong 1941 ang nadiskubreng nawawala at pinaniniwalaang dinudugas, ayon sa isang dive instructor dito.
Sinabi ni Butch Horario, isang open water diving instructor ng Subic Bay Aqua Sports Inc., ang mga labi ng sinaunang barko na tinaguriang 19th century ship at ikinukunsiderang isa sa pinakapopular na diving attractions sa bansa ay nakapagtatakang unti-unti nawawala ang mga mahahalagang artifacts sa ilalim ng dagat.
Ang pagkawala ng mga artifacts at iba pang mga accessories ng barkong pandigma ng Amerika ay nadiskubre nina Horario at apat na foreign divers noong Hunyo 13, 2005 matapos magsagawa ng recreational dive sa wreck site.
Nakarating na sa mga kinauukulan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at kasalukuyang inaalam kung may mga lokal na mangingisda mula sa Olongapo at Zambales ang may partisipasyon sa nagaganap na nakawan.
Ang USS New York, na may bigat na 27, 000 tonelada, ay ginawa sa New York Navy Yard sa Philadelphia, USA noong Agosto 1, 1893 at sumailalim sa huling mainitang labanan noong World War 1.
Noong magsimula ang World War II ay sinadya ng mga opisyal ng American Navy na nakabase sa Subic Bay na palubugin ang kanilang barko upang hindi mahulog sa mga kamay ng kawal-Hapones ang main guns nito upang hindi na mapakinabangan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended