8-bomba nahukay sa plaza

DAET, Camarines Norte – Walong sinaunang bomba ang iniulat na natagpuan sa itatayong gusali sa harapan ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa panulukan ng J. Lukban Street at Magallanes Iraya sa bayan ng Daet kamakalawa. Ayon kay PO3 Edward Bueno ng Explosive and Ordnance Disposal Unit (EODU), bandang alas-onse ng umaga nang ipagbigay-alam sa pulisya ni Engr. Joselito Bueno ang nahukay na walong sinaunang bomba.

Bukod sa mga natagpuang bomba ay nadiskubre rin ang antigong imbakan ng pulbura na pinaniniwalaang may mga bala at armas na pag-aari ng mga kawal Hapones. Nakatakdang dalhin sa Camp Wenceslao Q. Vinzonz Sr. ang mga sinaunang bomba. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments